Quantcast
Channel: Focal Magazine » FEATURED
Viewing all articles
Browse latest Browse all 101

Dear Heart – UMIT NA PAGMAMAHAL

$
0
0

Trials make us Think;
Thinking makes us Wise;
Wisdom makes life Profitable.

By: Anne Gonzaga

Dear Heart,

Hello po. May asawa po ako at mga anak na malalaki na, but my husband and I are not in good terms anymore. Mayroon po akong boyfriend dito pero yung lalaki ay may live-in girlfriend for more than 4 years na. May isa silang anak na pinauwi sa Pilipinas. Sabi po ng boyfriend ko ay uuwi na for good yung partner nya kaya ako pumayag makipag-relasyon sa kaniya. Dahan–dahan daw niyang hihiwalayan yun kasi hindi niya pwedeng biglain. Mahirap ang may kahati pero umaasa po ako sa pangako na kami ang magsasama pag nahiwalayan na niya ‘yon. Hindi alam ng kinakasama niya ang tungkol sa amin. Tuwing Biyernes ng gabi kami ang magkasama, kung minsan ay pinapapunta ko siya ng lihim sa trabaho ko sa mga amo ko. Kapag Sabado at Linggo andun siya sa gf niya.

Tanong ko po, bakit may mga lalaking ganoon na may kasama na e naghahanap pa ng iba? Hindi sila makuntento. Posible ba na nagsasawa na siya dun sa gf niya at hindi na niya yon mahal o niloloko lang nya ako?

Maraming salamat po,

Sally

Dear Sally,

Shalom. Maraming bagay ang dapat mo munang bigyan ng konsiderasyon bago ka magpatuloy sa relasyong pinasukan mo. Una, sigurado ka na bang hindi na talaga maiaayos ang marriage mo? Wala na ba kayong komunikasyon ng asawa mo kahit sa usaping patungkol sa mga anak ninyo? Nasa poder nya ba ang mga anak n’yo? Kung “Oo” ang sagot mo sa unang tanong, dapat ay nasa proseso na ang annulment mo para makasigurado kang may tsansa na maging kayo ng boyfriend mo ngayon ay magkakatuluyan. Kailangan din na ipaalam mo muna sa mga anak ang ginagawa mo ngayon dahil higit kaninoman ay sila ang tunay na masasaktan pag nalaman nilang meron kang karelasyon lalo na kung malalaman nila ‘yan mula sa ibang tao. Maaaring magalit sila sa ’yo at mawalan ng respeto. “Yan ang bagay na pinaka-ayaw nating mangyari… ang mawalan ng respeto sa atin ang ating mga anak.

Tungkol naman sa boyfriend mo, nakipagrelasyon ka sa kaniya kahit na alam mong may live-in girlfriend siya at matagal na silang magkasama. Malinaw ‘yan na nagpapaloko ka. Sa isang relasyon ay importante ‘yong “freedom.” Kalayaan na ma-express mo ‘yong nararamdaman mo at higit sa lahat ay maipagsigawan mo sa buong mundo nang walang pangamba o takot ang relasyon at karelasyon mo.

Kung hindi ka mailantad nung boyfriend mo ay malinaw na hindi siya seryoso sa ’yo. Itinatago ka niya dahil ayaw niyang may makaalam ng relasyon ninyo sa dahilang ayaw niyang masaktan ang partner niya. Kung totoong hihiwalayan na niya ‘yon ay wala na sana siyang pakialam at hindi sana siya mag-aalala kahit na malaman man ng partner niya ang relasyon ninyo. Dahil ang sabi sa ’yo ay hihiwalayan na di ba, so that would have been the easiest way out para sa kaniya. Pero hindi niya ginagawa dahil hindi totoong iiwan niya yong kaniyang partner. Malamang ay masyado na siyang kampante at sigurado sa relasyon nila at marahil ay naghahanap lamang siya ng “thrill” sa buhay kaya gumawa ng ganyan. Ang pagkakaroon ninyo ng intimate moments ay hindi nangangahulugang wala na siyang feelings doon sa partner niya.

Natural lamang sa mga lalaki ang magbitaw ng matatamis na pangako para makuha ang gusto. Magaling silang magpaasa. Noong niligawan ka niya, dapat sana ay pinahiwalay mo muna siya doon sa kasama bago ka pumayag na makipagrelasyon. Kung sana ganyan ang ginawa mo ay napatunayan mo na sa umpisa pa lamang ay mahal ka nga niya. Pero dahil sa pumayag kang makipagrelasyon ng patago ay hindi mo binigyang respeto ang sarili mo. Hinayaan mo siyang gamitin ka for his pleasure.

Kung magkasama pa kayo hanggang ngayon ay pahiwalayin mo na siya doon sa live-in partner niya para malaman ang kinalalagyan mo sa puso at buhay niya. Bigyan mo siya ng ultimatum. ‘Yong takdang panahon na dapat ay nakahiwalay na siya para makasiguro ka. Pero kung dumating ang panahon na itinakda mo at hindi pa rin siya humihiwalay at maraming dahilan ay ikaw na ang umiwas at lumayo. Patunay lamang ‘yon na hindi ka niya totoong mahal at hindi niya kayang iwan ‘yong kinakasama niya.

Magiging masakit ‘yan para sa ’yo pero mas mabuti nang hangga’t maaga ay putulin mo ang relasyon sa kaniya habang may natitira ka pang respeto sa sarili mo at habang hindi pa ‘yan nakakaabot sa kaalaman ng mga anak mo. Mas gugustuhin mo bang masaktan na lang palagi tuwing magkasama sila nung partner niya habang ikaw ay nakatago samantalang ‘yong kasama niya ay nakalantad at inosente sa mga nangyayari? Ikaw na mismo ang nagsabing mahirap ang may kahati. Ang totoo niyan, nang-uumit ka lang sa buong pagmamahalan nila.

Kung magpapatuloy ka sa ganiyang sitwasyon ay hindi ‘yong partner niya ang niloloko ninyo kundi ang sarili mo… ikaw na alam ang tunay na sitwasyon pero nagpapatuloy at pumapayag na gamitin at abusuhin. Hindi mo pwedeng ibuhos ang sisi sa bf mo dahil pumayag ka sa ganyang sitwasyon. Walang lalaking pipilit sa babaeng totoong tumatanggi. Ikaw, higit kanino pa man ang masasaktan pag nabulgar ang relasyon ninyo at sa huli ay hindi naman pala ikaw ang pipiliin niyang makasama. Sana ay makatagpo ka ng tunay na magmamahal sa ’yo na matatawag mong totoong sa iyo.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 101

Trending Articles