Ni Monique Kanapi
Hello! Shalom, shalom Monika. I’m very glad my friend told me about you and I’m happy that I found you. I used many creams for a long time and spent a lot but nothing happened to my face. Look at me now, only 2 months after the peeling, it’s like heaven to me. I’m beautiful again and freckles-free. Thank you my dear Monika. You’re amazing. I will visit you again dear!!
From Indra Nepali
___________________________________________________________________
Ms. Monique shalom,
Itatanong ko lang, ano po bang gagawin pag laging may blackheads o whiteheads? Lumalabas na naman kasi dahil iba na naman ang klima. Thanks po sa payo.
From: Wilma P.
___________________________________________________________________
Hello Wilma,
Normal lang sa isang tao na may ganyan lalo na pag mainit na ang panahon. Bumubukas nang sobra ang ating pores o butas sa balat kaya prone tayong makasagap ng dumi sa kapaligiran at labasan ng kung ano-ano sa ating mukha. May mga paraan para maibsan ito. Magpalinis ka ng iyong mukha every 2 months para ma-prick ng naglilinis ang iyong mukha kung saan palalabasin ang laman nito at ma-vacuum din nya ang oils sa mukha mo. Kung walang pricking lalo na ang vacuum ang magpe-facial sa ‘yo, wag kang magpalinis dahil balewala ang pagpapalinis mo. Yun ang pinakaimportamte sa lahat pag nagpapalinis ng mukha at hindi yun basta lalamutakin lang o papahiran ng musk, balewala iyon.
___________________________________________________________________
Mga helpful beauty tips na dapat nyong tandaan kapag papasok na ang summer:
1. Sa Israel ibang klase ang klima. Pag lumamig, masyadong malamig. Pag mainit masyado ding mainit. Kapag summer, minsan kahit di ka mainitan, nakakaapekto pa rin ang init ng kapaligiran na di rin maganda sa ating balat at ang mas lalong hindi maganda ay ang sikat ng araw pag summer na talagang nakaka-damage skin. Mag-sunblock para maiwasang pekasin ang mukha o balat sa katawan. Kapag nasa loob ng bahay, kahit spf 10 pataas ay makakatulong sa pagsangga ng init ng kapaligiran. Kapag lalabas at magli-letayel kasama ang amo o aso, sa spf 30 pataas na sunblock ay protektado na kayo. Kung magdadagat naman kayo at mainit, spf 80-100 ay safe na para protektahan ang balat from sun rays. Wag ugaliing lumabas ng naka-ordinary lotion tapos magpapaaraw kayo, tandaang ito’y mas lalong nakakaitim at nakakasunog ng balat dahil ang ito’y walang sunblock para protektahan ang balat ninyo at ito’y may taglay na special oils para maluto ang balat mo.
2. Dryness, pagbibitak-bitak o pagkakaliskis ng balat ang isa sa mga di kanais-nais na nangyayari sa balat kapag summer. Ang pag-inom ng vitamin E, 8 glasses of water a day, ay malaki ang maitutulong upang maiwasan ang over dryness ng balat. Pag di ka palainom ng tubig, wala kang masyadong vitamin E sa katawan at malakas kang manigarilyo, asahan mong laging tuyot ang balat mo. Dehydrated skin ang tawag dyan. Tuyot at walang kabuhay-buhay ang balat.
3. Ang sobrang paggamit ng mainit na tubig ay naghuhugas ng special oil sa ating balat dahil sa init na dulot nito, kaya pag mapapansin mo, kailangan mong mag-lotion after maligo. Dahil kung hindi, para kang may kaliskis o balakubak sa binti o braso. Iwasang gumamit ng mababangong lotions dahil kadalasang may sangkap itong nakakaitim. Pag summer tandaan na sunblock o rich thick lotion ang mainam na gamitin, at bawasan ang paggamit ng mainit na tubig.
4. Kung pawisin ang kilikili mo, iwasan mong gumamit ng liquid deodorant or spray kasi pawisin ka na nga, liquid pa ang ginagamit mo. Ang kilikili ay kulob, pag di natuyo ang pawis o ang deodorant na liquid pag humalo sa pawis at makukulob, aasim ito at magiging acid, dahilan para mangitim lalo ang kilikili. Matte o dry-based deodorant ang dapat gamitin ng taong pawisin ang kilikili.
5. Sa pagme-make-up pag summer, meron lang tayong dapat na tandaan. Pag mainit na, wag masyadong gumamit ng mga liquid foundations. Ito ay malulusaw sa init, magmumukhang oily ang balat mo sa mukha. Pag nalusaw ang liquid foundation sa init dahil ito ay oil-based, magmumukha kang bangkay dahil mamumuo ito at magbubukol-bukol sa mukha. Yan ay payong kaibigan lamang sa mahilig magmake-up.
6. Ang direktang paggamit ng mainit na tubig sa anit kapag naliligo ay nakakalagas ng buhok. Pero sabi ng mga eksperto ang pagkalagas ng 100 hair strands o buhok araw-araw ay normal lang at hindi dapat katakutan. Ang dapat na bigyang pansin ay kung ika’y napapanutan sa iisang lugar.
7. Kapag ikaw ay may pekas na, kailangan mong magdoble-ingat. Dahil pag mainit at di mo ito naproteksyunan, mas lalo itong lalala at kakapit. Magugulat ka na lang may mapa ka na ng Luzon, Visayas at Mindanao sa mukha. Wag ugaliing lumabas na naka-moisturizer dahil ang special oils ng moisturizer ay pwede mong ikasunog pag na-exposed ka sa init.
Pwede nyong i-add ang KINIS KUTIS KLINIK sa inyong Facebook accounts para makita nyo ang iba’t ibang klase ng suliranin o problema sa balat na pwede pang magawan ng paraan kahit ito ay damaged skin na. Sa lahat ng gustong magtanong o humingi ng payo, maaari kayong mag-email sa kiniskutis.kliniknew@yahoo.com. Ugaliing magbasa ng Beauty Conscious column sapagkat lagi kang may matututunan dito.
Services offered: Skin peeling, skin bleaching, facial treatment, pekas treatment, lip tattoo, eyelid and eyeliner tattoo, kulugo and nunal removal (laser), scar removal, slimming herbs.
KINIS KUTIS KLINIK call: MONIQUE- 0543084353/0547941308