Quantcast
Viewing all articles
Browse latest Browse all 101

Proud Maging Model ni Kinis Kutis Monique

Image may be NSFW.
Clik here to view.
Ni Monique Kanapi

Hi Ms. Monique,

Happy New Year. Super happy ako pag nakikita ko ang mukha ko sa salamin. Minsan kinakausap ko na nga ang sarili ko, parang di pa rin ako makapaniwala sa ngayon na ang dating mukha ko na walang paglagyan ng pimples ay napaka-flawless na. Believe it or not di na ako tinutubuan ng pimples ngayon. Halos lahat ng makakita sa ‘kin nagtatanong kung ano daw ang ginawa ko at paano nangyari iyon? Syempre proud akong sabihing courtesy of Ms. Monique.

One year na akong nagme-maintain ng recommended medicines mo at dahil dyan proud na proud akong maging model mo. Share ko lang sa mga katulad kong may pimples at nagti-treatment, sundin nyo lang ang sinasabi ng beauty adviser nyo at samahan nyo rin ng sablanut at wag magmamadali sa result. Ang lahat ng yan ang naging susi ng aking successful na treatment kay Ms. Monique. Dumaan ako sa step by step process hanggang gumaling ako. Tandaan na walang treatment na kapag ginamot ka ngayon ay sa isang linggo kamukha mo na kaagad si Angel Locsin, di po ba? Salamat din Ms. Monique dahil sa walang sawa mong paggabay na mapaganda kami sa abot ng iyong makakaya. God bless and good luck sa mapapaganda mo pa.

From: Jennette Gonzales of Haifa

Magandang araw Ms. Monique,

It’s me tita Yolly from Tel Aviv. I’m back from my vacation to the Philippines, grabe nung umuwi ako, andaming bumabati sa mukha ko. Bumata raw ako at nawala ang mga fine wrinkles ko. Sabi ko sa kanila ang mala-Vicky Bello ng Israel ng Kinis Kutis ang may gawa nyan. Sabi nga nila sana daw yun na lang mga ginagamit ko na galing sa ‘yo ang give away ko sa kanila para sila rin daw bumata hehehe. Sabi ko na nga ba eh, di ako nagkamali ng pagpunta sa iyo at magpa-advice din. Salamat talaga. You really are a big help sa aming mga may problema sa balat. Sulit ang gastos sa mga binigay mong gamot and it’s really worth it. Sabi nila pag magkakasama kaming mag-iina, para na lang daw kaming magkakapatid, bumata kasi talaga ako. Thanks and more power to you! I will be back sa ‘yo soon after fixing my schedule.

From: Yolly Tel Aviv

Ngayong winter, hindi natin maiiwasan na halos lahat tayo ay magkaroon ng tinatawag na winter dryness. Ito yung kinaiinisan nating nangyayari sa ating balat hindi lang sa mukha pati rin sa buong katawan. Meron tayong ilang tips na pwedeng i-apply sa ating sarili para maiwasan ito.

1. Ang sabon ay isa sa mga dahilan kung bakit nagda-dry ang ating balat. Ito kasi ay may alcohol-based ingredient na nakaka-dry ng balat. Mas magandang maging substitute na gamitin ay ang mga botanical/herbal soaps. Ito yung mga sabon na gawa sa prutas tulad ng carrot soap, chamomile, cucumber at marami pang uri ng prutas. This is very natural at may bitamina din dahil ito ay natural-made soaps na gawa sa prutas at walang alcohol.

2. Pag ang ating mukha ay dry at parang magaspang, lack of moisture ang tawag dito. Kailangan nating bigyan ng moisture para bumalik ang dating sigla at magmukhang fresh normal skin uli. Isa sa mga pinakamagandang gamitin sa mukha pag dry ito ay ang MOUSSE CREAM. Mataas ang moisturizer percentage nito at pag ito’y naipahid wala kaagad ang dryness at tumatagal ng halos buong araw ang epekto nito.

3. Ang paninigarilyo ay isa ring sanhi ng parka-dry o tuyot ng balat. Kung di ito maiwasan maging palainom ng tubig at supply-an ng vitamin E ang inyong sarili.

4. Timplahin ang tubig na panligo pag winter. Ang sobrang paggamit o matagalang paggamit ng mainit na tubig sa balat ay nagwawalis ng skin moisture, dahilan para ma-dehydrate ang balat, magbitak-bitak o gumaspang.

Pwede nyo nang i-add ang KINIS KUTIS KLINIK sa inyong Facebook accounts para makita nyo ang iba’t ibang klase ng suliranin o problema sa balat na pwede pang magawan ng paraan kahit ito ay damaged skin na. Mas madali kayong makaka-relate sa mga sinasabi at ipinaliliwanag ko lagi sa kolum ko. Sa lahat ng gustong magtanong o humingi ng payo tungkol sa inyong mga suliranin sa balat, maaari kayong mag-email sa kiniskutis.kliniknew@yahoo.com. Ugaliing magbasa ng Beauty Conscious column sapagkat lagi kang may matututunan dito.

Services offered: Skin peeling, skin bleaching, facial treatment, pekas treatment, lip tattoo, eyelid and eyeliner tattoo, kulugo and nunal removal (laser), scar removal, slimming herbs.
KINIS KUTIS KLINIK call: MONIQUE- 0543084353/0547941308


Viewing all articles
Browse latest Browse all 101

Trending Articles