Araw na naman ng mga Puso! At katulad ng mga nauna pang mga selebrasyon ng taon, excited na naman at talagang pinaghahandaan ng ating mga kapwa OFW dito sa Holy Land ang araw na ito lalong lalo na ng mga magsing-irog legal man o hindi.
Sabi nga’y saan mang lupalop mapadpad sa mundo ang mga Pinoy ay Pilipino pa rin sa kilos o galaw, at sa kanilang mga puso’t isipan. Sa kabila ng katotohanang mayroong ibang araw ng mga puso (Yom Ahava o Love Day) ang mga Israelis, gagawa at gagawa pa rin ng paraan ang mga Pilipino maipagdiwang lamang ang kinagisnang kultura at okasyong nakagawian.